Shop Earth-Friendly

Tuesday, May 14, 2013

Ang Panlilinlang ng Ruling Class sa 105 milliong Filipino

Kasalukuyang 105,720,644 million katao ang populasyon ng Filipino. Kulang-kulang 1 % o 111 pamilya ang gumagawa ng desisyon sa bayang ito sa pangunguna ng pamilyang Cojuangco-Aquino.  Ito ay sinusuportahan ng kanilang mga alipores na miembro rin ng angkang mula sa 1% na ito, at sila man ay may kani-knyang alipores na nagpapatakbo sa pinakamalalaking negosyo sa bansa kasama na rito ang media, enerhiya, at pati pang-araw-araw na aspeto ng kabuhayan: pera, komunikasion, tubig, pagkain, at iba pa.


Natural lamang na ang isang tulad ng Sixto Brilliantes na isang hamak na abogado at naluklok dahil sa Constitution of the Philippines para bantayan ang karapatan ng humigit 105 million katao sampu ng mga nakaupong pinakamatataas na opisyal ng bansa ay miembro ng mga alipores ng (mga) pamilyang ito. Kung may mga mangilan-ngilang miembro ng teatro na kumalaban sa higanteng mga pamilyang ito na miembro rin ng pamahalaan ay hindi na kataka-takang palabas lamang ang mga ito dahil siempre, kailangan ng contra vida sa lahat ng palabas.




Kaya kung inaakala niyong may election at may partisipasion nga tayong taxpayers sa pamamagitan ng election, ay, mga kabarangay, magising na kayo! Walang himala!

Mga ilang gabi na ang nakalipas, ang mga tulad kong aliping sagigilid (media, pop culture manipulators, etc) ay nagbigay ng kanilang kuru-kuro about packaging politicians and all those crap, tumawa na lang po kayo... trabaho lang, walang personalan. Para naman masabing pwedeng i-analyse ang Pinoy attitude on elections, at ma-appreciate ng mga me-kayang bayaran ang servicio nila (1%) baka sakaling madagdagan ng .01% ang ruling class dito sa P'nas.

Hindi masamang managinip, pero 8 hours per day lang tayong allowed nùn. We should live reality in at least 16 hours per day, including elections hours.