Ayon sa isang nakikipag-ugnayan sa Provincial government ng Bulacan (Attn: Governor Wilhelmino Sy-Alvarado!) na hindi nakakaintindi ng lengguwaheng Ingles?
Hindi naman po sa nakikialam ang inyong abang lingkod sa "internal" o "provincial" affairs ng Bulacan ngunit hindi po ba kahiya-hiya o sadyang hindi nagbabasa ng mga communications (letters, memos, etc) ang appointed government official na ito?
Ang pangyayaring ito po ay nakakatawa sa unang tingin dahil naatasan ang naturang opisyal na repasuhin ang isang naihaing proyekto mula sa Office ni Gov. Ayon pa sa Governor ay madaliin ang pagrerepaso dahil ang nakasalalay ay isa sa mga malalaking problema ng probinsiya. Halos isang buwan sa opisina ng naturang opisyal ang naihaing proyekto at dahil sa hindi po trapo ang grupong naghain ng proyekto, siempre po, hindi po sila naglalangis kahit kanino kundi manilbihan lamang sa ikakaganda ng bayan (natin).
Nang ibalik ni opisyal ang kanyang feedback o evaluation (napakahirap naman talagang mag-Tagalog!), aba, nagmistula suntok sa buwan ang nilalaman at katawa-tawang napakalayo sa nilalaman ng naihaing proyekto ang kanyang feedback na napansin namin ay nakasulat sa purong Tagalog.
Hindi sa minamasama namin ang paggamit ng atin pong pambansang lengguwahe pero kung hindi sana naintindihan ang Ingles, hindi naman po masamang mag-request ng Tagalog version para naman po hindi lalabas na kahiya-hiya ang maging isang mataas na opisyal na wala man lang po kayong resources (In English po Ginoong _, baka naman may staff kayong naka-graduate ng high school na pwedeng mag translate para sa inyo?)
Ang ganang amin,as always, ay nagtataka lang po (as if we were born yesterday, or, wika nga ng bandang Wuds: Inosente lang ang nagtataka)!
Ang reaction ng grupo, maiinis ba, matatawa, o aasa pang makikipagtulungan sa provincial government upang mabawasan naman ang kahiya-hiyang problem nila (hindi lang tungkol sa opisyal na hindi marunong magbasa, o kaya ay ang tanong: kaya pala ganoon kalaki ang problema nila dahil "ehem" pala ang opisyal nila)?
Ang tanong!
Saturday, December 29, 2012
Subscribe to:
Posts (Atom)